• About
  • Get Jnews
  • Contcat Us
Saturday, June 6, 2026
Romblon Sun
No Result
View All Result
  • Login
  • Register
  • Home
  • News
  • Politics
  • Opinion
  • Sports
  • Romblon Sun TV
  • Home
  • News
  • Politics
  • Opinion
  • Sports
  • Romblon Sun TV
No Result
View All Result
Romblon Sun
No Result
View All Result
Home News Local News

TESDA, naglunsad ng Farmer Field School sa Odiongan at Magdiwang

Philippine Information Agency by Philippine Information Agency
October 16, 2021
in Local News
0
TESDA, naglunsad ng Farmer Field School sa Odiongan at Magdiwang
0
SHARES
8
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter
FacebookTwitterPinterestLinkedIn

ODIONGAN, Romblon (PIA) — Inilunsad kamakailan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pakikipagtulungan ng Agricultural Training Institute (ATI) of the Department of Agriculture (DA) ang dalawang Farm Field Schools (FFS) sa probinsya ng Romblon.

Ito ay bahagi ng ipinatutupad na Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ng pamahalaan.

READ ALSO

‘Duterte Legacy’ campaign provincial launch set in Odiongan

Odiongan PNP namahagi ng school supplies sa mga bata sa Brgy. Panique

Sa isang panayam kay TESDA Romblon Provincial Director Amir Ampao, sinabi ito na naglalayon ang FFS na mas mapayabong pa ng mga magsasaka ang kanilang kakayahan at kaalaman sa pamamagitan ng kanilang mga ginagawang pagsasanay upang mas maparami ang kanilang produksyon at mapataas ang kanilang mga kinikita.

“Ang pinaka-priority sector ng TESDA ay ang agriculture, construction at iba pa. Pagdating sa agriculture, nakikita ng ahensya na kailangang tutukan ito kasi marami tayong mga magsasaka na pwede pang palaguin ang kanilang mga skills,” pahayag ni PD Ampao.

Ang isa sa mga FFS ay matatagpuan sa Barangay Anahao sa bayan ng Odiongan kung saan may kasalukuyang 25 magsasaka ang kasalukuyang nag-aaral patungkol sa agrikultura kagaya ng tamang pagpapatubo ng sili, mga epekto ng organic pesticides mga talong, epekto ng paggamit ng vermitea sa pagpapayabong ng mga kamatis, at ang pagpapataba ng ampalaya.

Sinabi ni Romblon Provincial Training Center Adminstrator Manuel Rabulan Jr. na itinaon nila ang pagsasanay ng 25 magsasaka sa panahon na hindi tagsibol ng mga nabanggit na gulay upang maliban sa pagsasanay ay makapag-develop rin ang mga magsasaka ng pamamaraan upang mapayabong ang mga ito.

Agosto nang magsimulang magsanay ang 25 magsasaka sa bayan ng Odiongan at inaasahang matatapos sila pagdating ng Disyembre.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga magsasakang nabigyan ng pagkakataong makapag-sanay sa ilalim ng TESDA dahil anila ay malaking bagay ito para sa kanilang hanapbuhay.

Sa maikling pahayag sa PIA Romblon, sinabi ni Alejandre Solis Jr. ng Organic Farmer’s Producer and Processors Association of Odiongan (ORFPPASO), partner ng TESDA at ATI-Mimaropa sa FFS Vegetables Production sa Odiongan, na sa pamamagitan ng itinuturo sa kanilang TESDA, doon nila nakikita na kaya pala umanong maging “common” ang sistema sa pag-aaral ng agrikultura.

Sinabi rin nito na malaking tulong ang FFS na itinayo sa Odiongan dahil hindi na kailangang pumunta ng mga mag-aaral na magsasaka sa ibang rehiyon o ibang probinsya para mag-aral ng mga pakabago at natural na pamamaraan ng pagtatanim.

“Itong mga estudyante natin, hindi na sila pupunta sa ibang region, ibang probinsya, para magsanay doon dahil dito palang nakikita na nila kung paano,” pahayag pa ni Solis. (PJF/PIA Mimaropa)

Tags: Featured

Related Posts

‘Duterte Legacy’ campaign provincial launch set in Odiongan
Local News

‘Duterte Legacy’ campaign provincial launch set in Odiongan

October 16, 2021
Odiongan PNP namahagi ng school supplies sa mga bata sa Brgy. Panique
Local News

Odiongan PNP namahagi ng school supplies sa mga bata sa Brgy. Panique

October 16, 2021
DSWD namahagi ng P37-M livelihood grant sa Romblon
Local News

DSWD namahagi ng P37-M livelihood grant sa Romblon

October 16, 2021
Motorista Patay Matapos Maaksidente Sa San Fernando, Romblon
Local News

Motorsiklo sinalpok ng kasunod na motorsiklo mga sakay parehong naospital

October 16, 2021
Pinay Nurse sa America namigay ng tulong sa mga kababayan sa Santa Fe
Local News

Pinay Nurse sa America namigay ng tulong sa mga kababayan sa Santa Fe

October 16, 2021
Motorista Patay Matapos Maaksidente Sa San Fernando, Romblon
Local News

Binata sa bayan ng Romblon natagpuang nakabitin sa kisame at wala nang buhay

October 16, 2021
Next Post
Comelec extends sign-up hours, days in some areas

Comelec extends sign-up hours, days in some areas

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

POPULAR NEWS

RSU inaugurates Metalworking and Woodworking School Factories

RSU inaugurates Metalworking and Woodworking School Factories

October 16, 2021
Comelec extends sign-up hours, days in some areas

Comelec extends sign-up hours, days in some areas

October 16, 2021
TESDA, naglunsad ng Farmer Field School sa Odiongan at Magdiwang

TESDA, naglunsad ng Farmer Field School sa Odiongan at Magdiwang

October 16, 2021
Odiongan PNP namahagi ng school supplies sa mga bata sa Brgy. Panique

Odiongan PNP namahagi ng school supplies sa mga bata sa Brgy. Panique

October 16, 2021
‘Duterte Legacy’ campaign provincial launch set in Odiongan

‘Duterte Legacy’ campaign provincial launch set in Odiongan

October 16, 2021

EDITOR'S PICK

Vice Gov. Ylagan itinalagang Provincial Chairman ng Aksyon Demokratiko ni Mayor Isko Moreno

Vice Gov. Ylagan itinalagang Provincial Chairman ng Aksyon Demokratiko ni Mayor Isko Moreno

October 16, 2021
Magpabakuna laban sa Covid-19 at manalo ng P1 million cash

Magpabakuna laban sa Covid-19 at manalo ng P1 million cash

October 16, 2021
Lalaking may bitbit na gulok na nanugod ng mga motorista sa San Agustin, nabaril ng pulis

Lalaking may bitbit na gulok na nanugod ng mga motorista sa San Agustin, nabaril ng pulis

October 16, 2021
Pinay Nurse sa America namigay ng tulong sa mga kababayan sa Santa Fe

Pinay Nurse sa America namigay ng tulong sa mga kababayan sa Santa Fe

October 16, 2021
Romblon Sun

© 2026 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

Navigate Site

  • Buy JNews
  • Landing Page
  • Documentation
  • Support Forum

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Opinion
  • Sports
  • Romblon Sun TV

© 2026 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms below to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In